Nasa 375,000 hanggang 400,000 mag-aaral sa buong bansa ang makikinabang sa educational cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ito ang tiniyak ni DSWD Secretary Erwin Tulfo makaraang lagdaan nila ni Interior Secretary Benhur Abalos ang memorandum of agreement para sa maayos na distribusyon ng cash aid.
Ipamamahagi ang cash aid sa mga mahirap na estudyante mula elementarya hanggang college level, tuwing Sabado hanggang September 24.
Tinukoy sa kasunduan ang mga tungkulin ng dalawang ahensya kasabay ng kanilang kolaborasyon upang maiwasang maulit ang magulong distribusyon noong August 20.