Nakatakda nang lagdaan sa unang linggo ng abril ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na titiyak sa proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nag ta trabaho sa nasabing banyagang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello the Third , posibleng maganap ang pirmahan sa Kuwait dahil dito na sa Pilipinas ginawa ang negosasyon.
Kabilang sa mga kondisyon na inilatag ng Pilipinas sa nasabing kasunduan ay ang pagpapahintulot sa mga OFWS na mahawakan ang kanilang sariling pasaporte at paggamit ng cellphone.
Tiniyak naman ni Bello na kahit malagdaan ang kasunduan ay tuloy pa rin ang paghahanap nila ng hustisya sa pagkamatay ng pinay OFW na isinilid sa freezer na si Joana Demafelis.