(Updated)
Pinaiimbestigahan na sa Kamara ang bagong kasunduan para sa pagtatayo ng common station na magdurugtong sa LRT line 1, MRT-3 at ginagawang MRT-7.
Alinsunod sa bagong agreement na nakatakdang lagdaan ngayong araw, isang unified station ang itatayo sa gitna ng SM North Edsa at Trinoma Malls.
Malayo ito sa orihinal na plano dahil pinagbigyan ang interes ng iba’t ibang korporasyon sa pangunguna ng Ayala Corporation at SM Group of Companies.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, inaasahang mas magiging malaki ang gastos sa pagpapatayo ng unified stations na posible ring singilin sa mga commuter.
Idudulog anya nila sa Korte Supema ang issue kung itutuloy ang pirmahan na magaganap ngayong araw sa pagitan ng SM Group, Ayala Corporation, San Miguel Corporation at Light Rail Manila Consortium.
DOTr
Samantala, welcome ang mga pagkontra sa pagtatayo ng common station na magdudugtong sa LRT line 1, MRT-3 at ginagawang MRT-7.
Ayon ay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Cesar Chavez, nakakatulong naman ang ibang pananaw sa usapin para mas makita aniya ang tunay na larawan dito.
Sinabi pa sa DWIZ ni Chavez na paraan na rin ito para maipaliwanag ng buo ang nasabing proyekto.
Bahagi ng pahayag ni DOTr Assistant Secretary for Railways Cesar Chavez
By Drew Nacino | Judith Larino | Credit to: Ratsada Balita (Interview)