Iginiit ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan III na wala nang bisa sa kasalukuyan ang nilagdaan nilang memorandum of understanding sa pamilya Marcos noong 1992.
Kaugnay ito sa mga inilatag na kundisyon noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos para makabalik sa bansa ang labi ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Alunan, nasunod naman ng pamilya Marcos ang lahat ng nilalaman ng kanilang memorandum of understanding noong termino ni dating Pangulong Ramos.
Mayroon anyang probisyon sa memorandum of understanding na puwedeng ilipat ang Libingan mula sa Batac Ilocos Norte ang labi ni Marcos kung hindi ito magbubunga ng kaguluhan at kung papayagan ng kung sinuman ang nakaupong Pangulo.
Bahagi ng pahayag ni dating DILG Secretary Rafael Alunan
By Len Aguirre | Ratsada Balita