Muling sinelyuhan ng Government at MILF Peace Panel ang kanilang kasunduan para palawigin ang tigil putukan sa Mindanao hanggang March 31, 2017.
Ito ay para matiyak ang mahabang ceasefire sa kabila nang hindi pagkakalusot ng panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Binigyang diin ng magkabilang panig na mahalaga ang panibagong kasunduan para matigil ang operasyon ng criminal syndicates, kidnap for ransom groups at terrorist groups sa Mindanao.
Nilagdaan din ng magkabilang partido ang terms of reference for the joint task forces on camps transformation at nagkasundong bumuo ng working group para irekomenda sa panel ang pagtatakda ng interventions para sa vulnerable sectors kabilang ang mga balo, naulila, people with disabilities, detainees at kanilang mga pamilya.
Nagkasundo rin ang Government at MILF panels na ituloy ang decommissioning sa mga MILF members matapos isuko ng mahigit 100 combatants ang kanilang mga armas.
By Judith Larino