Nakatakdang selyuhan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa ang kasunduang magbibigay pahintulot sa japan na makapag-supply ng military equipment sa Pilipinas.
Ayon kay Gazmin, lalagdaan bukas ang kasunduan na layuning mapunan ang mga underfunded military capability ng bansa.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi pa natatalakay kung anong mga uri ng defense equipment ang ibibigay o ibebenta ng Japan.
Gayunman, kailangan anya ng Pilipinas ang mga intelligence, surveillance at reconnaissance equipment upang mapalakas ang military capability ng armed forces.
By: Drew Nacino