Malaki ang lugi ng gobyerno sa kontratang pinasok ng Bureau of Corrections o BuCor sa kumpanyang pag-aari ni Congressman Antonio Floirendo sa Davao City.
Iginiit ito sa DWIZ ni House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa tila kakarampot na share ng produktong saging ng TADECO o Tagum Agricultural Development Corporation na gumagamit sa bahagi ng lupaing sakop ng Davao Penal Colony bukod pa sa naunang P5,000.00 kada taon sa bawat ektarya ang upa.
Ipinabatid pa ni Alvarez na lumabag din sa Procurement Law ang nasabing kasunduan at para makaiwas sa bidding ay ginawa na lamang na joint venture ang BuCor at TADECO na nangyari kung kailan kongresista na si Floirendo noong 2004.
Dahil dito, pina iimbestigahan na ni Alvarez ang nasabing kasunduan.
PAKINGGAN: Si House Speaker Pantaleon Alvarez sa panayam ng DWIZ
Impeachment complaint vs gov’t officials tungkuling pakinggan ng Kamara
May tungkulin ang Kamara na pakinggan ang mga impeachment complaint na isinampa laban sa mga opisyal ng gobyerno.
Iginiit ito sa DWIZ ni House Speaker Pantaleon Alvarez bagamat iginagalang niya naman ang naunang pagkontra ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi pa ni Alvarez na kailangang dumaan sa proseso ang mga isinasampang reklamong impeachment sa kanila para na ring maging fair sa lahat.
PAKINGGAN: Pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino |Balitang Todo Lakas Program (Interview)