Plano ng Pilipinas at China na pumasok sa isang kasunduan kung saan papayagan ang exchange of prisoners o prisoner swap.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, sakaling malagdaan ang naturang agreement, aabot sa 200 Pilipino na nakakulong ngayon sa China dahil sa kasong drug trafficking ang maaaring magsilbi ng kanilang sentensya dito sa Pilipinas.
Bilang kapalit, ang mga nakakulong naman na Chinese nationals sa Pilipinas ay papayagang makapagsilbi ng sentensya sa kanilang bansa.
Ang panukalang Prisoner Swap Pact ay kabilang sa mga napag-usapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa kanilang bilateral talks noong Lunes.
By: Meann Tanbio