Lumagda na ng kasunduan ang gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) para sa tigil-putukan sa Basilan.
Nagsimula ang labanan noong Martes sa Ungkaya Pukan na ikinasawi ng anim katao.
Ayon sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, kahapon nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno at ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities, Ad Hoc Joint Action Group at Non-Violent Peace Force, na pawang sangay ng MILF.
Nagpasalamat naman sa MILF si David Diciano, Presidential Assistant at pinuno ng Opapru Bangsamoro Transformation Program dahil sa pakikipagtulungan nito para sa kapayapaan.
Maliban sa anim kataong nasawi sa labanan, pitong sundalo din ang nasugatan.