Isang traditional terno ang isusuot ni first lady Louise “Liza” Araneta-Marcos para sa unang SONA ng kanyang asawa na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang facebook page ang sketch ng kasuotan ng asawa, kung saan may disenyo itong Piña calado, Victorian lace at gold.
Gawa ng Filipino designer na si Lesley Mobo, na siya ring gumawa ng damit ng first lady noong inagurasyon ni PBBM noong Hunyo 30.
Si Lila Almario naman ang lumikha ng sapatos ng first lady.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na tunay na maipagmamalaki ang obrang Pinoy sa anumang larangan.