Itinuwid ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa ang paggamit ng mga katagang tokhang for ransom patungkol sa kidnapping na kinasasangkutan ng mga pulis.
Ayon kay Dela Rosa, hindi tokhang ang istilong ginagamit ng mga pulis kundi paggamit ng pekeng warrant of arrest kaya mas akma pa ring tawagin itong kidnap for ransom.
Nagpahayag ng pangamba si Dela Rosa na maapektuhan ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs kung magagamit sa illegal na gawain ang katagang tokhang na ginagamit nila sa paglaban sa droga.
Tinukoy ni Dela Rosa ang paggamit ni Vice President Leni Robredo sa katagang tokhang for ransom nang magpahayag ito ng pagkaalarma sa pagkakadawit ng isang pulis sa pagkidnap sa isang Korean national.
By Len Aguirre | Report from: Jonathan Andal (Patrol 31)