Makakamit na rin ang pinakahihintay na katarungan.
Ito ang inaasahan ni dating presidential spokesman Harry Roque, isa sa mga dating abogado ng mga biktima ng Maguindanao massacre, sa pagbababa ng hatol ng hukuman sa nasabing kaso bukas.
Sinabi sa DWIZ ni Roque na inabot na ng isang dekada ang paglilitis sa kaso kaya’t dapat na maparusahan na ang mga nasa likod ng masaker na ito.
Sa wakas, tapos na –kung mapapansin mo itong sampung taon ay napakahaba nito, hindi katanggap-tanggap talaga ito na umabot ng ganito katagal, paulit-ulit ko pong sinasabi, sistemang bulok ang hindi makapagbibigay ng katarungan sa mga biktima ng mga karumal-dumal na krimen,” ani Roque. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas