Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng katarungan ang nangyaring pagpatay kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan sa Nueva Ecija.
Iyan ang ipinaabot na mensahe ng Pangulo kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa pamamagitan ni Special Assistant to the President Bong Go.
Sinabi ni Go, binibigyan din ng update ng mga pulis si Catholic Bishop’s Conference of the Philippines President at Davao Archbishop Romulo Valles hinggil sa development ng kaso.
Kaugnay nito, sinabi rin ng kalihim na kakausapin din niya si NBI Director Dante Gieran hinggil sa apela ng pamilya ni Adell Milan na itinuturong suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo na umanoy biktima ng mistaken identity.