Pangkalahatang naging mapayapa ang katatapos pa lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito ang naging pagtaya ng Department of Education (DepEd) batay na rin mga kaganapan sa eleksyon na may kaugnayan sa mga guro at mga eskwelahan.
Ayon kay DepEd Election Task Force for Operations and Legal Support Head Marcelo Bragado Jr., karamihan sa natatanggap nilang ulat ay may kinalaman lamang sa COMELEC at walang naitalang malaking problema kaugnay ng kanilang mga volunteer teachers.
Sinabi ni Bragado, aabot sa halos 500,000 mga guro ang nagsilbi sa katatapos na Barangay at SK Elections sa kabila na rin ng umiiral na Election Service Reform Act kung saan nakasaad maaaring tumanggi ang mga ito.