Nakita na ang katawan ng isang lalaki sa Biñan, Laguna na 18 araw nang nawawala matapos mahulog sa ilog.
Naganap ito sa gitna pa ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), nagsagawa sila ng search and retrieval operations at dito nakita ang katawan ng biktima na natabunan ng isang troso sa isang ilog sa Barangay Sto. Niño.
Agnas na nang makita ang katawan ng lalaki na tinatayang edad 25 anyos.
Maliban sa biktima, sinabi ng CDRRMO na hindi pa nila nakikita ang kasama nitong bata na nahulog din sa ilog.