Natagpuan ang katawan ng isang lalaki na nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 62 taong gulang na lalaki at residente ng Cambio, San Miguel, Bulacan at positibong kinilala ng pamilya ang natagpuang katawan.
Unang naiulat ang lalaki nitong mga nakaraang araw kasabay ng paghagupit ni bagyong Karding.
Matatandaan na isa ang bayan ng San Miguel sa Bulacan ang malakas na tinamaan ng bagyo at nag-iwan baha sa ilang mga lugar.