Apat na pasyenteng nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Philippine General Hospital (PGH) ang nananatili sa morgue at hindi pa nakukuha ng kanilang mga kamag anak.
Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, nahihirapan silang makontak ang mga kamag-anak ng mga pasyente ng COVID-19 dahil nga sa wala nang puwedeng bumisita pagkatapos na ma admit ito sa ospital.
May mga insidente anya na hindi sumasagot ang contact numbers na iniwan sa ospital.
Dapat anya ay nakukuha na ang labi sa loob ng apat hanggang anim na oras at diretso na ito sa funeral home para i-cremate.
Aminado rin si Del Rosario na plano nilang magpa-customize na ng bodybags dahil sa sitwasyon ngayon.