Posibleng sa Lunes pa ilabas ng bandidong Abu Sayyaf ang katawan ng pinugutan nilang bihag nitong Lunes na pinaniniwalaang si Canadian National na si Robert Hall.
Inihayag ito ni Western Mindanao command o WESMINCOM spokesman Maj. Filemon Tan kasunod ng natanggap nilang impormasyon bunsod ng nagpapatuloy nilang paghahanap sa katawan ng natagpuang pugot na ulo sa Jolo Cathedral kamakailan.
Nagtulong-tulong na aniya ang lokal na pamahalaan maging ang pulisya para hanapin ang nawawalang katawan upang maisailalim sa pagsusuri.
Gayunman, nilinaw ni Tan na tanging ang scene of the crime operatives at ang PNP crime lab lamang ang siyang tanging makapagkukumpirma na kay hall nga ang natagpuang pugot na ulo gayundin sa katawan nito.
By: Jaymark Dagala