Bukas ang tambalang KathNiel o Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sumabak sa independent films.
Napag-usapan na umano ng dalawa ang tungkol sa usaping ito at gusto anilang subukan ang indie movie kung mabibigyan sila ng magandang materyal.
Ayon kay Kathryn, nagsilbing inspirasyon sa kanya ang pagsabak ng kabigang si Khalil Ramos na sumali sa Cinema One Original.
Habang umaasa naman si Daniel na kung magkakaroon sila ng extra pang oras sa kabila ng kanilang busy schedule ay papasukin nila ang mundo ng indie films.