Niluluto na ang bagong pelikulang pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa isang interview, sinabi ni Kathryn na ang pelikula ay love story sa pagitan ng 2 kabataan o tinatawag na ‘millenials’ na nagkakilala sa Spain.
Sa ngayon ay wala pang working title ang pelikula sa direksyon ni Olivia Lamasan, na naging direktor ng “Madrasta” at “Milan” kung saan nakaka-relate halos lahat ng kabataang Pinoy.
“Kasi iyung mga kabataan ngayon pag may problema, ginagawa natin escape, mag-travel o kung gusto mo magsimula ng ibang buhay, usually pumupunta ng ibang bansa. So iyon yung isa sa mga rason,” Pagbabahagi ni Kathryn nang tanungin sa kanyang magiging karakter.
“Ang ganda lang talaga nung story and parang perfect lahat ng taong nilagay nila dito sa movie na ito so hopefully maging smooth and maganda siya.” Dagdag ni Kathryn.
Sa panig naman ni Daniel Padilla, ay sinabi nitong mas maituturing na ‘matured’ ang kanilang upcoming film kung ikukumpara sa iba nilang proyekto.
“Mas marami kaming tao na mato-touch sa movie na ito. Iyong story namin is inspired ng mga Filipinos na nagtatrabaho doon sa Spain ngayon,” Paliwanag ng aktor.
Hindi pa man nagsisimula ang shooting ay ibinahagi ng KathNiel na halos lahat ng eksena sa pelikula ay kukunan sa Barcelona, Spain.
Nagpahayag naman ng excitement ang fans sa muling pagtatambal ng dalawa sa big screen.
Ilan sa mga hit movies nina Padilla at Bernardo ay ang Crazy Beautiful You, She’s Dating a Gangster at Must Be Love.
PHOTOS: Screengrab from Star Cinema/ Instagram