Inulan ng batikos mula sa netizens ang larawan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hawak ang kanilang balota.
Ito ay dahil mariing ipinagbabawal ng COMELEC ang pagse-selfie sa loob ng presinto at gayundin ang pagsusot ng mga campaign paraphernalia katulad ng ballers.
Maliban sa pagkuha ng selfie, bawal din ang pagdadala ng camera sa loob ng presinto.
Kung mapatunayang guilty sinasabing pupuwedeng makulong ng hanggang 6 na taon ang sinumang lumabag sa nasabing batas.
Ito ang unang pagkakataong bumoto ng loveteam na ine-endorso ang LP candidates na sina Mar Roxas at Leni Robredo.
By Katrina Valle
(Photo credits undetermined as of this posting)