Inaabangan na ng mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padila ang umano’y “passionate kissing” ng dalawa sa kanilang ginagawang bagong pelikula na ‘The How’s of Us’.
Ipinasilip kasi ng kanilang writer sa pelikula na si Carmi Raymundo ang bahagi ng script nina Kathryn at Daniel.
Nakasaad kasi sa linya ni George, ang karakter na ginagampanan ni Kathryn na hinalikan nito si Primo, ang karakter naman na ginagampanan ni Daniel na katulad nang intensity ng kanyang passion para sa kanyang pangarap.
Hindi pa naman sigurado kung makakapasok ito sa final editing ng kanilang pelikula na “The How’s of Us” ngunit kung sakali, ito na ang pangatlong beses na may onscreen kissing scene ang dalawa; una sa “Barcelona: A Love Untold” (2016) at “Can’t Help Falling In Love” noong nakaraang taon.
—-