Magsusuot lang umano ng sexy two piece bikini swimsuit ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kapag aprub ito sa kaniyang ka-love team na si Daniel Padilla.
Sa panayam kay Daniel sa ginanap na thanksgiving presscon para sa kanilang fantaserye na Laluna Sangre natanong ang tungkol sa larawan ng aktres kung saan nakasuot ito ng bikini na ikinagulat ng marami nitong fans.
Hindi raw kasi inaasahan ng publiko na kaya palang magpa sexy ng teen queen at magsuot ng swim suit.
Sagot naman ni Daniel, nagsusuot lamang ng ganito si Kathryn kung siya lang ang kasama.
Gayunman nilinaw ng aktor na meron pa rin itong boundary na kapag sa tingin daw niya umano ay sobrang sexy na ay agad niya itong sasabihin ito kay Kathryn.
Samantala, kinumpirma naman ni Kathryn na Amerika sila magdaraos ni Daniel ng kanilang Holy Week kasabay na rin ng kanilang show sa nasabing bansa.
Posted by: Robert Eugenio