Asahan na ang malalakas na ulan sa katimugang bahagi ng Mindanao kahit nananatiling mahina ang Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng namumuong sama ng panahon ay pinakahuling namataan sa halos 500 kilometro, silangan ng General Santos City.
Kasabay nito, may mga pag-ulan pa rin sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa localized thunderstorm habang ang Hanging Amihan naman ay nakakaapekto pa rin sa northern Luzon.