Lumarga na ngayong araw ang katiting na tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, bababa ng P0.10 ang kada litro ng diesel at gasolina;
Habang P0.30 naman ang tapyas sa kada litro ng kerosene.
Una nang sinabi ng Department of Energy, na kabilang sa nakaapekto sa paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo ang pagbaba ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries noong Enero dahil sa mababang output mula sa Iran at Nigeria;
Gayundin ang plano ni U.S. President Donald Trump na magpatupad ng taripa sa Canada, Mexico, at China.