Isiniwalat ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo sa pamamagitan ng isang sulat kay Pangulong Rodigo Duterte ang ilang kaso ng katiwalian sa pamahalaan.
Ayon kay Taguiwalo, nasa Malakanyang siya noong gabi bago ang kanyang kumpirmasyon at nais niya sanang makausap si Pangulong Duterte.
Subali’t aniya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon dahil kapwa sila abala ng Pangulo sa kani-kanilang mga pulong kaya sumulat na lamang siya.
Sinabi pa ni Taguiwalo na nais niya sanang maibigay ang sulat kay Pangulong Duterte upang mabigyan ng pagkakataon na maimbestigahan ang mga kaso ng korapsyon na kanyang nabanggit dito.
Kasabay nito ay umaasa si Taguiwalo na makapag-uusap sila ni Pangulong Duterte matapos ang pagkakabasura ng kanyang kumpirmasyon para na rin makapagpasalamat.