Ibinunyag ni Transportation Assistant-Secretary for Railways Mark Tolentino ang umano’y tangkang pag-manipula ng ilang opisyal ng ahensya sa bidding process ng Mindanao Railway Project.
Ayon kay Tolentino, ilan umanong “dilawang” opisyal ng DOTR na mas mataas ang posisyon sa kanya ang nais utangin ang pondo para sa nabanggit na proyekto gayong mayroon namang 36 Billion Pesos na inilaan sa ilalim ng General Appropriations Act.
Bagaman hindi pinangalanan ang sinasabing nagtatangkang manipulahin ang bidding, nilinaw ni Tolentino na humingi siya ng permiso kay Transportation Secretary Arthur Tugade upang isiwalat ang anomalya.
Magsisimula ang bidding para sa first phase ng Mindanao Railway sa Hunyo.