May katiwalian pa rin sa gobyerno sa kabila ng pinaigting na kampanya laban dito.
Ito ang inamin ni Pangulong Benigno Aquino III sa isang forum ng mga lider ng semiconductor and electronics industry.
Giit ni Aquino, performance-based bonus system at pagpapataas ng sahod ang ilan sa nakikita niyang paraan upang matapos ang katiwalian at red tape sa mga ahensya ng pamahalaan.
Siniguro rin ng Pangulo na walang sasantuhin ang gobyerno pagdating sa laban kontra-katiwalian kahit pa ang kanyang mga kaalyado at kaibigan.
Gayunman, binigyang diin ni Aquino na kailangan pa rin niya ang suporta ng pribadong sektor upang tuluyang masugpo ang katiwalian sa gobyerno.
By Jelbert Perdez