Mataas pa rin ang antas ng katiwalian sa gobyerno ng Pilipinas nitong nakaraang taon tulad ng naitala noong 2015.
Ito ang lumabas sa Corruption Perceptions Index ng Transparency International matapos makakuha ang bansa ng tatlumpu’t lima (35) na marka kung saan isang daan (100) ang pinakamataas.
Nangangahulugan umano na laganap pa rin ang korapsiyon sa Pilipinas na kapantay ang anim pang bansa kabilang ang Thailand at Peru.
Nilinaw naman ng corruption watchdog na maaaring magkaroon ng pagbabago sa kanilang watch list ngayong taon.
By Jelbert Perdez