Hindi ligtas ang mga mambabatas sa imbestigasyon na isasagawa ng Department Of Justice (DOJ) sa posibleng pagkakasangkot ng mga ito sa katiwalian.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mandato ng DOJ na imbestigahan ang lahat at hindi sakop nito ang pagkakaroon ng immunity ng mga miyembro ng kongreso ang mga krimen na nagawa sa ilalim ng anti-graft law kung saan mayroong mabigat na parusa gaya ng habang buhay na pagkakakulong.
Giit ni Roque, kasama ang lahat ng mga public office sa kabila ng pag-iral ng separation of powers dahil wala naman aniyang bukod na ahensya na nagiimbestiga ng kurapsyon sa kongreso.
Binigyang diin ni Roque na kapangyarihan ng ehekutibo na magpatupad ng mga batas at sakop nito ang kahit sino o anuman ang posisyon nito.