Katotohanan ang hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng proseso ng Impeachment Complaint sa Lunes na inihain laban sa kanya sa Kamara.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang inaasahan maliban sa paglutang ng katotohanan laban sa mga inaakusa sa kanya ni Congressman Gary Alejano na siyang naghain ng impeachment complaint.
Ayon sa Pangulo, kung ano ang totoo, yun aniya ang dapat na manaig dahil wala naman itong ginawang paglabag sa batas at sa mamamayan.
Naunang inihayag ng Palasyo na walang kapupuntahan ang impeachment complaint laban sa Pangulo dahil malinaw na propaganda lamang ito ng oposisyon at pampublisidad lamang.
By: Aileen Taliping