Ginarantiyahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang paglabas ng katotohanan sa pagkakapatay ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.
Ginawa ito ng pangulo sa ikalawang pagkakataon na nagtungo ito sa Jolo, Sulu matapos ang insidente ng pamamaril sa mga sundalo.
Nagpahayag ng pagasa ang pangulo na hindi magiging dahilan ng friction sa pagitan ng mga sundalo at pulis ang insidente.
Sa harap ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan, binigyang diin ng pangulo na naunawaan nya ang galit na nararamdaman ng mga sundalo at mga Tausug.
Kaya naman ano man anya ang maging resulta ng imbestigasyon ay kanila itong ilalabas.
Una nang inatasan ng pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng impartial at mabilis na imbestigasyon upang mailabas ang katotohanan sa pagkakabaril ng mga pulis sa apat na sundalo.
Magarantiya ko saiyo na ang totoo ay lalabas, at lalabas, at lalabas. In fairness to the Tausug policemen and to the soldiers who died. Hindi natin pupuwedeng taguin, hindi natin pupuwedeng laruan ito kasi hindi maganda ang labas,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.