Matutukoy na kung sino ang dapat na managot sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force sa Mamasapano Maguindanao, isang taon na ngayon ang nakakaraan.
Ayon kay Retired Chief Supt. Diosdado Valeroso, malinaw itong matutukoy sa hawak niyang audio recording ng pag-uusap ng isang opisyal ng pamahalaan at isang mambabatas.
Sinabi ni Valeroso na malinaw rin na nagkaroon ng pagtatangka na magkaroon ng cover-up upang hindi madamay sa Mamasapano incident ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
“Right from the start po before, during and after, magkakaroon ng linaw kasi ang audio recording naman na ito ay all after the Mamasapano massacre, hindi naman po yung intensity na kagimbal-gimbal, ito naman ay makakatulong na linawin ang kinalaman ng mga opisyal na ito sa Mamasapano massacre, ma-establish po natin ang accountability base sap ag-uusap.” Ani8 Valeroso.
Ayon kay Valeroso, ipinadala sa email ng isang grupo ang audio recording sa Young Officers Union noong January 19.
Nakatakda niya itong isumite sa Senado para sa nakatakdang reinvestigation ng Mamasapano incident sa January 27.
Binigyang diin ni Valeroso na wala silang ibang agenda sa pagsasapubliko ng audio recording kundi ang mabigyan ng hustisya ang SAF 44.
“Wala naman pong hidden agenda na involved dito kaya nga po isisiwalat natin at wala po tayong balak itago ang katotohanan, kailangan pong ipamahagi natin ito para magkaroon ng wise decision ang ating mga legislators at ma-evaluate nila kung tatanggapin nilang evidence ang piece of information na ito.” Pahayag ni Valeroso.
Senate
Tatanggapin ni Senate Committee on Public Order Chair Senator Grace Poe ang sinasabing audio recording ng umano’y cover up sa madugong insidente sa Mamasapano, Maguindanao.
Ito’y sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senado sa Miyerkules, Enero 27 hinggil sa madugong pangyayari na ikinasawi ng tinaguriang Gallant 44.
Gayunman, sinabi ng Senadora na hindi nila masisiguro na maisasapubliko ang nilalaman ng nasabing audio recording.
Mahalaga ani Poe na hindi magdulot ng kalituhan sa publiko ang mga ilalabas na impormasyon dahil mismong si retired Police General Diosdado Valeroso ang nagsabing unverified ang naturang audio recording.
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Jaymark Dagala
1 comment
Bakit kailangan kasuhan si General valeroso sya na nga nag bigay malaking linaw sa kaso nang SAf 44.ang information nayan ay napaka halaga…bakit …parang ayaw nyung mailabas ang katutuhanan.