Napapanahon na para direktang mag-usap ang lahat ng mga opisyal ng NFA o National Food Authority, NFA Council at Department of Agriculture.
Ito’y ayon kay Senadora Nancy Binay ay para alamin ang tunay na estado ng suplay ng bigas sa bansa at kung anong hakbang ang dapat gawin para aksyunan ang nasabing problema.
Kasunod nito, nanawagan ang Senadora sa mga rice trader na huwag magsamantala at sa halip, tapatan na lamang ang presyo ng NFA o babaan ang presyo nito para makatulong sa mga konsyumer.
Samantala, aalamin naman ni Senadora Grace Poe sa isasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa naturang usapin kung totoo ba o imbento lamang ang umano’y rice shortage.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio