Wala pang balak magka-love life ang Kapuso actress na si Katrina Halili.
Ayon kay Katrina, gusto muna niyang i-focus ang sarili sa kaniyang career para rin makapag ipon at mas ma i-settle ang sarili.
Dagdag pa ng aktres, posibleng pagdating na ng 35 siya handang pumasok muli sa seryosong relasyon.
Masaya naman aniya siya ngayon kasama ang anak at mas lalo din umano niyang minahal ang kaniyang trabaho ngayon kasabay ng tila pagiging mas mature niya sa buhay.
Kwento pa ni Katrina noon ay ayaw niyang magtrabaho at mas bigay todo sa oras sa love life ngunit sa ngayon aniya ay mas focus muna siya sa kaniyang sarili.