Inanunsiyo ng Miss Universe Philippines na pasok sa Top-3 para sa swimsuit challenge si Katrina Llegado ng Taguig City.
Ito’y matapos malaglag ang 49 na kandidata para sa swimsuit challenge kahapon.
Nanguna sa panalo si Katrina suot ang gold one-piece swimsuit habang naka-gondola ride sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.
Kasama ni Katrina sa Top 3 sina Michelle Dee ng Makati City na nagsuot ang pink one-piece swimsuit at Celeste Cortesi ng Pasay City na nagsuot naman ng red two-piece swimsuit.
Nabatid na dati nang kinatawan si Katrina ng Pilipinas kung saan, nagtapos ito ng 5th runner-up sa Reina Hispanoamerica 2019.
Ayon sa Miss Universe Philippines, napili ang swimsuit challenge Top 3 batay narin sa mga boto ng publiko sa pamamagitan ng Miss Universe Philippines app at ng mga hurado. — sa panulat ni Angelica Doctolero