Nakapag-parehistro na rin para sa kanilang national ID sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) ang ilang mga Katutubong Aeta sa Pampanga.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), katuwang ang lokal na pamahalaan, dinala ang registration site sa mga upland barangay.
Tiniyak din naman ang pagpapa swab sa mga tauhan ng PhilSys para mapanatiling COVID-19 free ang Aeta community.
Target ng PSA na ma-irehistro ang nasa 3,000 hanggang 4,000 sa porac hanggang Hunyo.
Inaasahan naman na matatanggap na ng mga Katutubong Aeta na nakapag parehistro ang kanilang National ID at ATM card mula sa PhilSys sa loob ng dalawang buwan.