Bumida ang mga katutubong sayaw ng Pilipinas sa idinaos na IECP 2022 international ethnic cultural performances sa Hong Kong
Kinatawan ni vice consul Jose Angelo D.G Manuel ang Pilipinas sa pagbubukas ng nasabing taunang event na inorganisa ng Hong Kong leisure and cultural services department kasabay nang ika-25 anibersaryo ng pagbuo sa Hong Kong special administrative region.
Ipinabatid ng Philippine Consulate General Hong Kong na dalawang organisasyon ng mga Pilipino ang nagtanghal ng mga katutubong sayaw sa IECP 2022 tulad ng tinikling group of migrants na sumayaw ng sakuting habang ang migrant Ilonggo Association International ay nagtanghal ng sayaw sa Cuyo.
Nakiisa sa special event na may temang The Art of Masks ang mahigit 20 bansa na nagpakita ng kani-kanilang natatanging artistry at mayamang kultura sa pamamagitan ng activity booths, cultural mask displays at stage performances.