Balik-Pilipinas ang international pop star na si Katy Perry sa susunod na taon.
Sa anunsyo ng Ovation Productions isa ang Pilipinas sa walong bansa na kabilang sa Asia leg ng Witness: The Tour concert ni Katy Perry bukod sa Tokyo Japan at Jakarta, Indonesia.
Gaganapin ang konsyerto ni Katy sa Mall of Asia Arena sa April 2 ng susunod na taon.
Magsisimula naman ang pagbebenta ng mga tickets sa December 11.
Kabilang sa mga latest hit songs ni Katy sa kanyang album na Witness ay Chained of the Rythym, Bon Appetite at Swish Swish.
—-