Binuweltahan ni Senadora Leila de Lima si Philippine Ambassador to the United Nations Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr.
Ito’y makaraang ihayag ni Locsin na hindi na uusad ang kasong isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC o International Criminal Court bunsod ng pagbisita sa bansa ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard.
Ayon kay De Lima, wala siyang nakikitang dahilan o kaugnayan para maghayag ng gayung opinyon si Locsin gayung hindi naman bahagi ng ICC si Callamard para magpasya sa kaso.
Kaugnay nito, mariin ding pinabulaanan ni De Lima ang akusasyon ni Locsin na may kinalaman ang Partido Liberal sa pagpunta sa Pilipinas ni Callamard.
vs. Callamard
Binanatan ni Philippine Ambassador to the United Nations Teodoro Locsin Jr. si UN Rapporteur Agnes Callamard.
Kasunod ito ng ginawang pagbisita ni Callamard sa bansa nang wala umanong abiso sa pamahalaan ng Pilipinas.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Locsin na sa pamamagitan ni Callamard, pinag-isa nito ang mga Pinoy sa pagsuporta sa kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, sinabi ni Locsin na hindi si Callamard ang hahatol kung tama o mali ang ginagawa ng pamahalaan sa drug war lalo’t idinedepensa na ito ng Philippine delegation sa Geneva, Switzerland.
Hindi rin pinalampas ni Locsin ang hitsura ni Callamard pati na ang paliligo nito na aniya’y dalawang beses naman sa loob ng isang araw na nakatutulong para malinawan ang kanyang isipan.
By Jaymark Dagala
Kaugnayan ni Agnes Callamard sa LP pinabulaanan was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882