Naglunsad na ng kauna-unahang airstrike ang Britanya laban sa Islamic State sa Syria.
Ito ay ilang oras lamang matapos na paboran ng parliyamento ng Britanya ang pakikiisa sa pag-atake kontra IS.
Ayon sa ulat, apat na tornado jets ang agad sumahimpapawid matapos ang naganap na botohan kung saan binomba nito ang Syria.
Inaasahan naman na magbibigay ng karagdagang detalye sa mga susunod na oras ang Ministry of Defense ng Britanya.
By Ralph Obina