Bigo ang kauna-unahang antigen test na isinagawa sa Baguio City matapos hindi pumasa sa standards ng Department of Health (DOH).
Ipinabatid ito ni Retired Major General Restituto Padilla, spokesman ng National Task Force Against coronavirus disease 2019 (COVID-19), kaya’t patuloy na humahanap aniya ang gobyerno ng iba pang testing measures para sa COVID-19.
Ayon kay Padilla, mahigit kalahati ng resulta ng antigen test ay compatible sa resulta ng RT-PCR test subalit nasa ilalim ng kinakailangang parameter at nais ng DOH na maging 85% compatible ito.
Sinabi ni Padilla na tinututukan nila ang saliva o breath tests para sa COVID-19 bukod pa sa RT-PCR na itinuturing pa ring gold standard ng COVID-19 test.
Makakatulong aniya sa pagbawi ng ekonomiya kabilang ang industriya ng turismo kung ang mga test ay makapagpapalabas ng resulta sa mas maikling panahon.