Tinanggihan ng Civil Registry ang kahilingan ng dalawang same sex couple na makakuha ng marriage license.
Magkasamang nag-apply para sa lisensyang makapagpakasal sina Maria Arlyn Ibanez at partner na si Joanne Reena Gregorio at sina Pastor Ceejay Agbayani at partner nitong si Marlon Pelipe.
Ayon kay Ibanez, kanila nang inaasahan ang gagawing pagtanggi ng Civil Registry, subalit kanila pa din itong ginawa.
Matapos hindi bigyan ng lisensya, isinigaw ng grupo ang desisyon ng Civil Registry, kasabay ng paglaladlad ng isang rainbow flag.
By Katrina Valle