Kinukumpleto na lamang ng kauna-unahang fighter pilot ng Philippine Air Force na si 1st Lt. Jul Laiza Mae – Beran ang kaniyang 300 hours training at makapasa sa evaluation.
Ito’y para makalipat at maipalipad na ng tuluyan ang bagong biling FA-50 Fighter Aircraft ng Air Force mula sa AS-211.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Maynard Mariano, sa katunayan ay nakasama na si Camposano – Beran sa FA-50 fighter jet bilang back-seat pilot at mayruon na rin siyang combat experience.
Ang AS-211 ay ang armadong bersyon ng S-211 na siyang ginagamit bilang trainer aircraft at pagpapatrulya rin sa West Philippine Sea. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)