Idineklara ng President – elect ng Singapore si Halimah Yacob, ang kauna – unahang babaeng Pangulo ng naturang bansa.
‘Winner by Default’ si Yacob makaraang siya lamang ang mag – kwalipika sa nasabing posisyon dahil sa kaniyang elegibility kaya’t hindi na nagsagawa ng eleksyon.
Manunumpa ang dating parliament speaker bilang ika-walong Pangulo ng Singapore, bukas.
Si Yacob din ang kauna – unahang Pangulo ng Singapore na nagmula sa Malay ethnicity.
Samantala, patuloy na umaani ng kritisismo si Yacob dahil sa pagiging ‘undemocratic’ umanong proseso ng kanyang pagkakahalal.
_____