Aprubado na sa Mexico ang kauna-unahang bakuna kontra dengue.
Dahil dito, tiwala ang health experts na maiiwasan na ang mahigit 100 insidente nang pagkamatay kada taon dahil sa nasabing sakit.
Ang dengvaxia vaccine ay gawa ng French pharmaceutical giant na Sanofi na una nang humiling ng regulatory approval sa 20 bansa sa Asya at Latin America bagamat Mexico ang unang nagbigay ng go signal dito.
Hindi pa nagpapasya ang Sanofi kung magkano ang nasabing bakuna na itinuturing na posibleng maging blockbuster drug at kung saan tiyak na kikita ang kumpanya ng mahigit isang bilyong dolyar kada taon.
Magdedesisyon pa ang national vaccination council kung isasama ang dengvaxia sa mga bakunang libreng ipamamahagi ng gobyerno.
By Judith Larino