Pormal nang nanumpa si resigned Economic Planning Secretary at NEDA Director General Arsenio Balisacan bilang bagong kauna-unahang chairman ng bagong likhang Philippine Competition Commission o PCC.
Magsisilbi si Balisacan bilang chairman ng PCC sa loob ng pitong taon.
Kabilang sa mga itinalagang PCC Commissioners sina Stella Alabastro-Quimbo, Johannes Bernabe, Elcid Butuyan at Menardo Guevarra.
Samantala, epektibo ang resignation ni Balisacan sa NEDA sa Enero 31.
By Meann Tanbio | Photo from: Aileen Taliping (Patrol 23)