Nagsimula nang mag-operate ang kauna-unahang coronavirus disease 2019 (COVID-19) laboratory facility sa Zamboanga City Medical Center.
Ayon kay Dr. Justin Paber, tagapagsalita ng Incident Command System ng Zamboanga City Medical Center, may kakayahan ang laboratoryo na magsagawa ng walong tests kada oras gamit ang polymerase chain reaction machine.
Aniya, 23 specimen ang naisailalim nila sa pagsusuri sa unang araw ng pagbubukas nito kahapon kung saan pawang negatibo ang resulta ng mga ito.
Inaasahan naman mas marami pang test ang masasagawa ng lungsod oras na magbukas na rin ang dalawa pang testing facility sa Zamboanga City kabilang ang laboratoryo ng Philippine Red Cross.
Sa pinakahuling datos, umaabot na sa 60 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Zamboanga City na nananatiling nakasailalim sa enhanced community quarantine.