Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) self-testing kit na uubra sahome use.
Ang single use test ay kayang makapaglabas bg resulta sa loob lamang ng 30minuto.
Ang naturang self-testing kit ay gawa ng kumpanyang Lucira Health na napagkalooban na ng emergency use authorization for home use.
Ginagamitan din ang test ng self-collected nasal swab samples para sa mga indibidwal na may edad katorse pataas na suspected COVID-19 patient.
Sinabi ni FDA Commissioner Stephen Hahn na ito ang maituturing na unang self-administered COVID-19 test kit na maaari ring gamitin sa mga pagamutan.