Gumulong na sa kalsada ang kauna-unahang double-decker bus sa bansa ngayong araw na ito.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, tumulak ang dry run ng nasa 15 double decker bus sa SM North EDSA sa Quezon City patungo sa Glorietta 5 sa Makati City simula kaninang alas-8:00 ng umaga.
Mayroong VIP lounge, CR, refrigerator, TV at libreng wifi ang premium double-decker bus at nasa P55 ang pamasahe.
Bukas hanggang Enero 15 naman ang aplikasyon sa mga bus na nagnanais na mag-operate ng double decker bus sa Metro Manila.
Sa ngayon ay ang kumpanyang Froehlich Tours pa lamang ang inisyal na pinayagan ng LTFRB para mag-operate ng ganitong uri ng bus hanggang sa Enero 31.
Una rito ay mas pinalawig pa ng ahensya ang point to point bus service hanggang sa katapusan ng buwan kasunod na rin ng matagumpay na operasyon nito noong panahon ng Kapaskuhan.
By Rianne Briones
*Photo Credit: @LTFRB_Chairman